Isa sa tagapagmana ni Willie Revillame na si Marimonte, usap-usapan dahil sa angkin nitong kagandahan

 

Larawan mula kay Marimonte Revillame

Hindi maikakaila ang naabot na katanyagan ni Willie Revillame dahil na rin sa kanyang diskarte, talento at sipag.


Si Willie ay kilala bilang isang sikat na Filipino comedian, businessman, host, singer, song writer at matagumpay na businessman.


Nakakamangha naman talaga ang kwento ng buhay ni Willie dahil nagsimula rin umano siya sa mahirap na buhay simula noong bata pa siya kung kaya naman hindi pa rin ito nakakalimot na magpasalamat sa panginoon at mag-abot ng tulong sa mga tao na kapos sa buhay.

kagandahan Larawan mula kay Marimonte Revillame

"Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa." kwento ni Willie.


Dahil sa talento nito sa larangan ng showbiz ay unti-unti itong naging tanyag at dito na siya nagsimulang yumaman.


Madami rin ang kanyang naging karelasyon at isa sa mga nakilala sa showbiz na kanyang naging anak ay si Merylle Soriano sa kanya dating naging karelasyon na si Bec-Bec Soriano.


Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay mayroon pa pala siyang isang napakagandang anak na babae na si Marimonte Shanelle Viduya Revillame.


Si Marimonte ay naging anak ni Willie sa dati nitong karelasyon na non-showbiz na si Sharon Viduya.


Makikita sa mga larawan ni Marimonte ang taglay nitong mala-artistahin looks ngunit tila hindi pa umano nito naiisipan na pasukin ang mundo ng showbiz.

kagandahan Larawan mula kay Marimonte Revillame

kagandahan Larawan mula kay Marimonte Revillame

Kahit hindi man madalas na makasama ni Marimonte ang kanyang ama ay hindi naman tinalikuran ni Willie ang kanyang obligasyon sa kaniyang anak.


Ayon kay Willie, siniguro na umano niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na ang mga bagay na kakailanganin nila sa kanilang future.


***

Comments

Popular posts from this blog

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces