Ayon sa kanyang ina, para umanong asong nauulol ang kanyang anak dahil sa labis na paggamit ng gadgets

 

Larawan mula kay Lilibeth Eulin

Isang netizen ang nagbahagi sa kanyang social media account tungkol sa nangyari sa kanyang anak na lalaki dahil lang umano sa labis na paggamit ng cellphone.


Ayon sa kanyang post malaki ang kanyang ipinagtataka sa ikinikilos ng kanyang anak dahil hindi raw umano ito mapakali sa isang tabi at labis din umano ang pagpawis nito.


"It happened last night..patulog n kmi kagabi ng biglang tumayo ang anak ko n para syang nababaliw..pinagpapawisan samantalang nkabukas ang aircon..tayo upo tayo upo kamot ulo." ayon kay mommy Lilibeth


Suspetsa pa ng ina na baka nakagat umano ng isang aso ang kanyak anak dahil tila kaparehas nito ng sintomas.


Dahil dito ay nagdesisyon na si mommy Lilibeth na isugod sa ospital si Robin para malaman ang dahilan ng pagkabalisa ng kanyang anak.


Ayon sa doktor, normal naman daw ang blood pressure ni Robin at agad itong binigyan ng gamot pampawala ng hilo kung kaya naman nawala na rin ang pananakip ng dibdib at pagpapawis ng anak.


Ganunpaman, pinayuhan ng doktor na obserbahan muna si Robin ng tatlong araw at doon na nalaman ni mommy Lilibeth na ang dahilan umano nang kakaibang nanyari sa anak ay dahil sa sobrang paggamit ng gadgets.

Larawan mula kay Lilibeth Eulin

Sinabi ni mommy Lilibeth na ngayon lang niya napatunayan na masama talaga ang sobrang paggamit ng cellphone dahil sa radiation na dulot nito.


"To make the story short nakuha po ng anak ko ang kakaibang sakit dahil sa sobrang paggamit ng cellphone..opo totoo nga po pala ung mga nababasa ko akala gawa gawa lng dahil naranasan ng anak ko.." ayon kay mommy Lilibeth


"Masama po tlga ang sobrang gamit ng cp dahil s radiation...bawal din pong itabi s pagtulog ang cp at ilagay s may ulunan..God bless po.." ayon pa kay mommy Lilibeth


Magsilbi sanang aral ito sa iba, bata man o matanda dahil gaya nga ng kasabihan, anumang labis ay maaaring makasama saiyo.

Larawan mula kay Lilibeth Eulin

Basahin ang buong post ni mommy Lilibeth sa ibaba:


"just for public awareness


"pls take time to read:


"it happened last night..patulog n kmi kagabi ng biglang tumayo ang anak ko n para syang nababaliw..pinagpapawisan samantalang nkabukas ang aircon..tayo upo tayo upo kamot ulo..then biglang nagsalita; robin- "mommy d ako makahinga,nagsisikip dibdib ko,natatakot ako,dko alam nararamdaman ko,nasusuka ako,nahihilo..".i thougt jinojoke nya lng ako although ilang araw ko ng napapansing sumasakit sakit n ulo nya at nahihilo...then tatayo uupo maglalakad kakamot ng ulo hawak hawak ang dibdib...at talagang maputla n sya at matindi ang pagpapawis while the aircon was actually on...at bilang ina anlakas ng kaba ng dibdib ko s nakikita ko s kanya...iba as in ibang iba ang pinapakita nya kya natakot ako...iniisip ko bka bigla syang tumalon s bhay(5th floor kami) kya natakot tlga ako kc para syang nkagat ng asong ulol..kya tinanong ko sya kung takot sya s tubig,hangin at ilaw..pero d nman daw,so iba tlga nararamdaman nya..at bilang ina natakot din ako s inaasal nya as in 1st time kong nakitaan sya ng ganun..kya dinala nmin sya s ospital at that time(12 midnight)..."normal ang bp ayun s doktor.. binigyan sya ng gamot pampakalma at pampawala ng hilo ng doktor..after an hour awa ng Dios nwala wala ang sakit ng dibdib,pagpapawis,pagkahilo at panlalamig...so under observation sya for 3 days at nid ng pahinga...to make the story short nakuha po ng anak ko ang kakaibang sakit dahil sa sobrang paggamit ng cellphone..opo totoo nga po pala ung mga nababasa ko akala gawa gawa lng dahil naranasan ng anak ko.. just posted this just to give u a warning...masama po tlga ang sobrang gamit ng cp dahil s radiation...bawal din pong itabi s pagtulog ang cp at ilagay s may ulunan..God bless po..


***

Comments

Popular posts from this blog

Tinitingala pala pagdating sa larong basketball noong araw si Romy Diaz

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Isa sa tagapagmana ni Willie Revillame na si Marimonte, usap-usapan dahil sa angkin nitong kagandahan