Bakit nga ba sa edad na 36 ay namaalam kaagad itong si Rene Requiestas aka Cheeta-eh

 

Larawan mula sa mydramalist

Si Rene Requiestas o nakilala sa pangalang Cheeta-eh ay nagmula siya sa isang maralitang pamumuhay at sa murang edad ay nasubukan na nitong magtinda ng sigarilyo sa kalye.


Dahil kapos at sobrang hirap ng kanilang buhay noon ay nagpasyang ipinakupkop silang magkakapatid sa kanilang kamag-anak.


Halos araw-araw umano ay tumutulo ang luha ni Rene at nagdarasal ito na sana ay balang araw mabuo na ulit ang kanilang pamilya.


Kahit na ganito ang buhay na mayroon si Rene ay hindi siya pinanghinaan ng loob at isang araw ay naisipan nitong mag-apply sa isang teatro kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan.


Dito ay hindi umayon kay Rene ang tadhana at dahil sa kanyang itsura ay hindi siya natanggap.

Larawan mula sa mydramalist

Si Rene ay hindi kaagad sumuko at sinubukan niya ulit mag-appy at sa pagkakataon na ito ay natanggap na siya ngunit hindi bilang aktor kundi bilang isang janitor.


Buong puso na tinanggap ni Rene ang ibinigay sa kanyang trabaho dahil alam niyang ito lang kanyang pag-asa para kumita ng pera para sa kanyang pamilya.


Isang araw ay hindi inaasahan ni Rene na mabibigyan siya ng role dahil hindi sumpipot ang isang aktor at kailangang makahanap kaagad ng kapalit nito.


Dito ay sinubukan nila ang talento ni Rene at dito na nga niya ipinakita ang kanyang itinatagong angkin galing sa pag-arte.


Hindi nito binigo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya at dito nga siya ang nanalo bilang isang best aktor sa ginampanang role ng gabing iyon.

Larawan mula sa mydramalist

Dito na nga nag-umpisa ang kanyang karera sa mundo ng showbiz bilang isang komedyante at dahan-dahang nagbago ang takbo ng kanyang buhay.


Isang araw ay nabigyan siya ng break matapos nitong makilala ang kanyang idol na si Joey De Leon at kinuha siya bilang isang sidekick sa pelikulang "Starzan".


Gumanda ang kanyang karera sa pag-arte at nakabili siya ng magandang bahay at lupa para sa kanyang pamilya.


Naging tuloy-tuloy ang kanyang pag-angat sa buhay ngunit kasabay naman nito ang kanyang pagkahuling sa ibat-ibang bisyo at dahil dito ay unti-unting bumigay ang kanyang katawan.


Dahil mahina ang kanyang resistensya ay sa ksamaang palad ay noong taong July 24, 1993 ay nagpaalam na nga ang aktor sa edad na 36.


Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***

Comments

Popular posts from this blog

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces