Binansagang 'Alas Pogi' ng Pelikulang Pilipino, ito na pala ang buhay ngayon ni Ace Espinosa

 

Larawan mula sa mubi

Noong dekada nobenta ay hindi maitatanggi na isa si Ace Espinosa aka 'Alas Pogi' ang tinitingala ng mga tao pagdating sa kanyang astig na istilo sa pag-arte.


Tinatawag na 'Alas Pogi' si Ace Espinosa dahil sa pagkakaroon ng matikas na pangangatawan at magandang lalaki, kung kaya naman palagi siyang pinagkakaguluhan sa pampublikong lugar ng kanyang mga taga-hanga lalong-lalo na ng mga kababaihan na talaga namang hangang-hanga sa kanyang ka-gwapuhan.

Larawan mula sa mubi

Matatandaan din na isa si Ace Espinosa sa mga nagpa-uso noon ng kanyang signature hairstyle na flat top na talaga namang bagay na bagay sa itsura at pigura ng kanyang pangangatawan.


Lumipas ang ilang taon ay napangasawa ni Ace ang dating beauty queen na si Maricel Morales na madalas niyang maging kapareho sa kanyang mga pinagbidahang pelikula.


Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng isang lalaki at isang babae na ngayon ay binata at dalaga na.

Larawan mula sa mubi

Subalit matapos ang apat na taong pagsasama ng dalawa ay hindi pinalad ang kanilang relasyon at naghiwalay din sila, ngunit sa kabila nito ay nananatili naman silang magkaibigan.


Sa ngayon ay masaya ng namumuhay ang 52 taong gulang na beteranong aktor sa bansang Canada kasama ang kanyang bagong kinakasamang babae.


Minsan ay umuuwi siya ng Pilipinas upang makasama ang kanyang mga anak at iba pa nitong kapamilya sa buhay.


***

Comments

Popular posts from this blog

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces