Isabelle De Leon o kilala sa pangalang 'Duday', ganito na pala ka-Hot ngayon ang dating child star

 

Larawan mula sa angelopedia

Dating sikat na child star at nakilala sa pangalang "Duday", sino nga naman ang makakalimot sa napaka-galing umarte at telebisyon at naunang umere sa isang comedy film Sitcom ni Vic Sotto na 'Daddy Di Do Du'.


Talaga ngang isa si Duday sa tinatangkilik at hinahangaan noon ng mga manunuod dahil nga sa kanyang bibong galawan at natural na talento sa harap ng kamera.


Sa katunayan nga ay nanalo na din noon si Duday sa FAMAS Best Child Actress Award sa kanyang role sa palabas na 'Magnifico'.

Larawan mula sa angelopedia

Sa paglipas ng panahon ay matagal na hindi nagpakita sa harap ng kamera si Duday at marami sa kanyang mga taga-hanga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba siya at kung ano na ang nangyari sa kanyang buhay ngayon.


Sa pananaliksik ay napagalaman na mayroon na palang bagong karera na tinatahak ang dating child star na si Duday.


Mula sa pagiging bibo at nakapa-kulit na bata noon ay isa ng ganap na napaka-gandang dalaga ngayon si Duday.


Si Duday ay kilala rin ngayon sa larangan ng musika dahil bukod sa pag-arte, isa na rin siyang singer at songwriter ngayon.


Nakakamangha dahil mapapansin sa kanyang mga litrato ang napaka-laking ipinagbago lalong-lalo na sa kanyang napakagandang looks ngayon.


Ang dating cute na cute na si Duday noon ay 27 taong gulang na ngayon.


Nakakamangha dahil hindi lang basta aktres at singer itong si Duday kundi lumaki pa siyang isang beauty Queen.


Sino nga naman ang mag-aakala na ang dating napaka-cute at makulit na bata noon sa showbiz industry ay isa na ngayong darling of the crowd at nagwagi bilang isang multinational sa naganap na Miss World Philippines.

Larawan mula sa angelopedia

Talaga nga namang hindi lang galing sa pag-arte at pagkanta ang ipinamalas ni Duday dahil pinatunayan din nito na kahit na anong karera ang kanyang tahakin ay kanya pa rin ipapakita ang kanyang talento, talino at galing na nasa kanyang pagkatao.


***

Comments

Popular posts from this blog

Tinitingala pala pagdating sa larong basketball noong araw si Romy Diaz

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Isa sa tagapagmana ni Willie Revillame na si Marimonte, usap-usapan dahil sa angkin nitong kagandahan