Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces

 

Larawan mula sa Facebook

Halos lahat yata ay kilala ang isa sa pinaka-beteranong  artista at nag-iisang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o mas kilala sa pangalang "FPJ".


Hindi maitatanggi ang naging katanyagan ni FPJ noong araw kung kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ang bumabalik sa kanyang mga nagdaang pelikula.


Noong taong 1967 ay nagpakasal si DA KING sa aktres na si Susan Roces at hindi nagtagal ay napagpasyahan nilang dalawa na mag-ampon ng isang bata at ang batang babae na ito ay si Grace Poe.


Matapos nito ay muling nagpasya ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces na tumira sa Amerika at doon palakihin ang kanilang anak na si Grace Poe.

Larawan mula sa Facebook

Ginugol ni Grace Poe ang kanyang kabataan sa Amerika at doon na rin ito nagtapos ng kolehiyo.


Bago pa man ay hindi naman sinikreto ni FPJ na nagkaroon din ito ng dawalang anak na si Ronian at Lourdes Virginia o kilala bilang si Lovi Poe.


Taong 2004 ay nagpasya si Fernando Poe na bumalik ng Pilipinas at tumakbo sa halalan bilang Pangulo ng bansa.


Sa hindi inaasahan ay sa kaparehong taon ay biglaang sumakabilang-buhay ang batikang aktor at marami ang nagulat sa balitang ito.


Ang kanyang anak na si Grace Poe ang nagpatuloy sa kanyang pamana at tumakbo ito bilang Senador ng Pilipinas.


Ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces ay mayroon napaka-laki at napaka-gandang bahay sa Quezon na ipinama na sa kanilang anak na si Grace.

Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook

Makikita na ang pamanang bahay ay pinaghalong moderno at tradisyonal na disenyo.


Mapapansin na ang loob at labas ng bahay ay may kumbinasyon ng kultura at sining ng mga Pilipino na tila ang mag-asawa ang pumili ng napaka-gandang disenyo.


Ang mga dingding ng bahay ay kulay puti at ang mga materyales na ginamit sa tatlong palapag na bahay ay talaga namang dekalidad.


Puno din ng mga sentimental na halaga ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay at karamihan na dito ay mga antigo.


Sa katunayan ay mapapansin sa kanilang sala ang "Sarimanok" painting ng gawa ng isang tanyag na National Artist na si Abdulmari Imao at makikita rin dito ang obra ni Sandra Feller.


Sa kasalukuyan ay si Grace Poe na ang nag-mamayari ng nasabing heritage house.


Wala din umanong balak si Grace Poe na alisin ang ilang gamit ng kanyang mga magulang dahil isa ang mga ito sa naiwang ala-ala sa kanyang mga mahal na magulang.


***

Comments

Popular posts from this blog

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera