Ito pala ang totoong nangyari sa buhay ng Original Badboy ng pelikulang Pilipino na si Ace Vergel
![]() |
| Larawan mula sa alchetron |
Si Ace Vergel ang original badboy ng pelikulang pilipino dahil sa kanyang natural na angas sa kanyang mga eksena sa harap ng kamera at talaga nga namang madami ang humahanga sa kanyang manunuod.
Naging maswerte ang kanyang naging karera sa mundo ng showbiz dahil tila nga nagustuhan ng mga manunuod kanyang kakaibang imahe bilang isang badboy na bida.
Naging sunod-sunod ang kanyang mga nagawang pelikula at minsan pa itong naparangalan ng best actor sa kanyang ginawang pelikula na 'Anak ng Cabron'.
![]() |
| Larawan mula sa alchetron |
Ikinasal si Ace Vergel sa kanyang asawang si Maya Dela Cuesta at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na si Alejandro King Aguilar.
Subalit hindi naman nagtagal ang pagsasama ng mag-asawa at naghiwalay din ito dahil sa ilang hindi pagkakasundo.
Matatandaan na naranasan din na humimas ng rehas ang ating bida dahil sa kasong pananamantala sa karapan ng mga kababaihan at minsan din siyang nasangkot sa ipinagbabawal na gamot na kalaunan ay napawalang bisa rin.
Ang kanyang pinaka-huling ginawang pulikula ay nakasama nito ang ilang batikang aksyon star na sina Eddie Garcia, Victor Neri at Mikey Arroyo.
Noong taong Disyembre 15, 2007 ay nagulantang ang kanyang mga taga-hanga ng biglaang bawian ito ng buhay sa edad na 53 matapos siyang atakihin sa puso.
Madami ang nagulat sa nangyaring ito sa aktor, kabilang ang kanyang mga kaibigan, kapag-anak at kanyang mga taga hanga.
Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***


Comments
Post a Comment