Larawan mula kay Gio Alvarez

Si Gio Alvarez ay nagsimulang pasukin ang mundo ng pag-aartista noong mapabilang ito sa grupo ng "Ang TV", isang youth-oriented comedy show sa ABS-CBN noong dekada nobenta.


Kasabayan ni Gio sa programa ang mga sikat din na artista katulad nila Patrick Garcia, Claudine Bareto, Angelica Panganiban, John Prats at Jolina Magdangal.


Noong dekada nobenta ay maswerte rin na napabilang si Gio sa sikat na sitcom na Home Along Da Riles.


Dahil sa ibat-ibang natanggap na proyekto ni Gio ay lalo pa itong nahubog sa pag-arte at tuloy-tuloy na ang kanyang mga naging proyekto kasama ang mga bigating artista.

Larawan mula kay Gio Alvarez

Ayon kay Gio, marami umano siyang nais gawin sa kanyang buhay ngunit ang pag-aartista umano ang lagi niyang binabalik-balikan.


“Madami na rin akong natutunan. Growing up marami na rin akong gusto at puwedeng gawin pero walang kasing gusto sa pag-arte at sa pagki-create ng films or shows. I guess this is [what] I really want to do,” ayon kay Gio.


Taong 2018 ay tila nag-iba na ng landas si Gio at binitawan na ang kanyang karera sa showbiz at nag-focus na nalang ito sa kanyang asawa at mga anak.


Ayon sa balita ay mayroon na siya ngayon limang anak sa kanyang asawa na si Jayvie Agojo na isang professional na golfer.


Ayon kay Gio, ang pagkakaroon umano ng pitong miyembro sa pamilya ay isang malaking biyaya.


“Seven members in a family is already a great blessing, Our family is perfect.” ayon kay Gio.

Larawan mula kay Gio Alvarez

Sa kasalukuyan ay mayroon negosyo si Gio bilang parti ng isang production company kung saan ay gumagawa sila ng mga pelikula at mga TV show.


Kasama nito sa nasabing kumpanya ang mga dating kasabayan nito sa showbiz na sina Paolo Contis, KC Montero at Ding Dong Dantes.


***

Comments

Popular posts from this blog

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces