Numero uno kontrabida sa mga pelikula na si Paquito Diaz, ganito pala ang totoong nangyari sa kanya

 

Larawan mula sa Alchetron

Sumikat at naging matunog ang pangalan ni Paquito Diaz sa larangan ng showbiz dahil sa kanyang natural at epektibong pagganap bilang isang kontrabida sa mga pelikula.


Hinangaan din si Paquito sa kanyang natural na talento sa pagpapatawa kung kaya naman naging tuloy-tuloy ang kanyang karera sa pag-aartista.


Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay bago pasukin ni Paquito ang mundo ng showbiz ay naging basketball player muna siya ng FEU Tamaraw noong dekada singkwenta kung saan nagwagi sila ng tatlong magkakasunod na kampeonato.


Sa pagiging aktibo sa paglalaro ng basketball ni Paquito ay dito naman niya nakilala ang kanyang teamna si Sergio Santiago na isa palang direktor at producer ng pelikula.


Dito ay binigyan siya ng maliit na role sa pelikulang pinamagatang 'Mr. Basketball' na pinagbidahan naman ni Bob Soler, at kahit na maliit na role lamang ang kanyang ginampanan doon ay agad siyang nakitaan ng natural na talento sa pag-arte.

Larawan mula sa Alchetron

Dito na nag-umpisa ang kanyang karera sa industriya ng showbiz at unti-unting iniwan ni Paquito Diaz ang pag-lalaro ng basketball upang harapin ang kanyang tadhana sa pag-arte.


Dahil sa angkin talento nito ay agad tumatak sa isipan ng mga Filipino ang pangalan ni Paquito bilang numero unong kontrabida sa mga pelikula.


Nungit sa kabila ng kanyang mukha sa showbiz ay ang hindi alam ng mga tao ay si Paquito ay isang mabait, matulungin sa mga mahihirap, responsableng asawa't ama at mabuting kaibigan sa totoong buhay.


Lumipas ang panahon, sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagkaroon ng karamdaman si Paquito at dito na nga nag-umpisang bumagsak ang kanyang karera sa showbiz.


Madami ang nagulat ng makita nila si Paquito na biglang bumagsak ang kanyang matipunong katawan dahil sobra ang pagpayat nito at nangangalo mata.


Malayong-malayo sa matipuno niyang pangangantawan noong siya pa ay aktibo sa showbiz.


Dahil dito ay naubos na ang kanyang ipon kung kaya naman napagpasyahan nila ng kanyang asawa na ibenta na ang kanilang bahay at lupa pati na ang kanilang natitirang kotse.


Sa kabila ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman ay hindi na rin kinaya ng kanyang katawan at unti-unti na nga itong nanghina.


March 3, 2011 sa edad na 78 ay tuluyan na ngang namaalam ang batikang aktor na si Paquito Diaz.


Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***

Comments

Popular posts from this blog

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces