Sikreto ni ate para maging isang board topnotcher, kanyang ipinasilip sa publiko
![]() |
Larawan mula sa Philippine Star |
Isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination ang usap-usapan sa social media dahil sa kanyang kakaibang diskarte at pagsusumikap upang maging isang board topnotcher.
Hinangaan ng mga netizen ang kwarto ng board topnotcher na si Justine Lei Ramos dahil punong-puno ito ng notes at manila paper na nakadikit sa pader
Ang kapatid ni Justine na si Sean Martee ang naglakas loob na kuhanan ng mga larawan ang buong kwarto ni Justine upang ibahagi sa kanyang social media account.
Makikita sa mga larawan na punong-puno ng bond paper at manila paper na nakadikit sa pader at pinto ng kwarto ni Justine.
Ayon kay Sean Martee, gusto lamang nito ibahagi ang naging paghihirap ng kanyang kapatid na si Justine bago maabot ang tagumpay bilang isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination.
“Gusto ko lang po ipakita kung gaano po niya pinaghirapan ang pag-prepare sa board exam niya. Gusto ko din po ipakita sa mga tao na anything is possible po kung mag focus lang po and work hard. And para ma-inspire po ung mga kumukuha din po ng exam,” ayon sa kapatid ni Justine.
![]() |
Larawan mula sa Philippine Star |
![]() |
Larawan mula sa Philippine Star |
![]() |
Larawan mula sa Philippine Star |
![]() |
Larawan mula sa Philippine Star |
![]() |
Larawan mula sa Philippine Star |
Makikita na talaga namang pinaghandaan ni Justine ang kanilang nalalapit na pagsusulit upang makapasa sa kanyang Architecture Licensure Examination. Kahanga-hanga at nagbunga ng maganda ang kanyang ginawang effort.
Marami naman natanggap na komento ni Justine mula sa mga netizens na natuwa sa paghihirap ni niya para pagtagumapayan ang pagiging board topnotcher.
***
Comments
Post a Comment