Totoo palang siga at kinakatakutan itong si Max Alvarado sa totoong buhay

 

Larawan mula sa Pinterest

Si Max Alvarado ay talaga namang maituturing na isang legendary sa larangan ng pag-arte sa harap ng kamera lalo na sa kanyang mga epektibong role bilang isang kontrabida sa mga pelikulang Pilipino. 


Ayon sa balita, bago pa man pasukin ni Max ang pag-arte sa harap ng kamera ay nauna muna siyang naging kilabot at talaga nga namang kinakatakutan siya sa Maynila partikular na sa Quiapo.


Maraming kaibigan itong si Max at mataas ang respeto at paghanga nila sa kanya dahil bukod sa matapang at matipuno ang pangangatawan ay malakas din ang kanyang loob at wala siyang inaatrasan basta nasa tama ang kanyang ipinaglalaban.


Marami rin siyang tropa dahil marunong siyang makinig at magpayo sa mga ito, sa katunayan nga ay siya pa mismo ang kumikilos upang gumawa ng paraan nang sa ganun ay malutas ang problema ng kaibigan.


Ang hindi pa alam ng marami ay noong taong 1949 ay naging isang jeepney driver din si Max Alvarado na byaheng Quiapo hanggang Paco Manila.


Bukod sa pagiging jeepney driver ni Max Alvarado ay isa din pala siyang magaling na mananayaw at sa katunayan nga ay isa siyang dance instructor sa isang dancing school sa Quiapo.

Larawan mula sa Pinterest

Dahil sa kanyang ibat-ibang diskarte sa buhay ay nakilala niya ang ilang producer at dahil sa kanyang magandang tindig ay dito na nga siya inalok na pasukin ang pag-aartista.


Dito na nga nag-umpisa ang kanyang karera sa mundo ng showbiz at dahil marami ang napahanga sa kanyang kakaibigang atake ng pag-arte na gumagalaw ang buo nitong katawan habang bumibitaw ng kanyang linya sa harap ng kamera na talaga namang tinangkilik at minahal ng kanyang mga taga hanga.


Lubos naman siyang hinangaan noong minsang may eksena at aksid3nte itong nahulog sa sinasakyang kabayo at nagkaroon ng bale ang kanyang braso ngunit imbis na magpagaling muna ay itinuloy niya ang eksena kung kaya bumilid si Fernando Poe Jr. sa kanyang pagiging propesyonal sa harap ng kamera kung kaya naman dito na nagsimula ang mabuting pagkakaibigan ng dalawa.


Si Max Alvarado ay kilala hindi lamang sa mga matatanda kundi pati sa mga bata noong minsan na ginampanan niya ang karakter na si Lizardo sa pelikulang Panday na pinagbidahan naman ni Da King FPJ.


Dahil si Max ay laki sa hirap, marunong itong hawakan ang kanyang pera kung kaya nakaipon ito na pera at nakapundar ng ilang bahay at lupa, napagtapos din niya sa pagaaral ang kanyang mga anak.


Nagretiro si Max sa pag-aartista na maganda ang buhay subalit ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapusan, ika nga ay "Walang Forever".


Noong April 6, 1997 ay nagpaalam na nga ang beteranong aktor sa edad na 67 dahil inatake ito sa puso.


Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. 


***

Comments

Popular posts from this blog

Tinitingala pala pagdating sa larong basketball noong araw si Romy Diaz

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Isa sa tagapagmana ni Willie Revillame na si Marimonte, usap-usapan dahil sa angkin nitong kagandahan