Posts

Ayon sa kanyang ina, para umanong asong nauulol ang kanyang anak dahil sa labis na paggamit ng gadgets

Image
  Larawan mula kay Lilibeth Eulin Isang netizen ang nagbahagi sa kanyang social media account tungkol sa nangyari sa kanyang anak na lalaki dahil lang umano sa labis na paggamit ng cellphone. Ayon sa kanyang post malaki ang kanyang ipinagtataka sa ikinikilos ng kanyang anak dahil hindi raw umano ito mapakali sa isang tabi at labis din umano ang pagpawis nito. "It happened last night..patulog n kmi kagabi ng biglang tumayo ang anak ko n para syang nababaliw..pinagpapawisan samantalang nkabukas ang aircon..tayo upo tayo upo kamot ulo." ayon kay mommy Lilibeth Suspetsa pa ng ina na baka nakagat umano ng isang aso ang kanyak anak dahil tila kaparehas nito ng sintomas. Dahil dito ay nagdesisyon na si mommy Lilibeth na isugod sa ospital si Robin para malaman ang dahilan ng pagkabalisa ng kanyang anak. Ayon sa doktor, normal naman daw ang blood pressure ni Robin at agad itong binigyan ng gamot pampawala ng hilo kung kaya naman nawala na rin ang pananakip ng dibdib at pagpapawis ng a...

Totoo palang siga at kinakatakutan itong si Max Alvarado sa totoong buhay

Image
  Larawan mula sa Pinterest Si Max Alvarado ay talaga namang maituturing na isang legendary sa larangan ng pag-arte sa harap ng kamera lalo na sa kanyang mga epektibong role bilang isang kontrabida sa mga pelikulang Pilipino.  Ayon sa balita, bago pa man pasukin ni Max ang pag-arte sa harap ng kamera ay nauna muna siyang naging kilabot at talaga nga namang kinakatakutan siya sa Maynila partikular na sa Quiapo. Maraming kaibigan itong si Max at mataas ang respeto at paghanga nila sa kanya dahil bukod sa matapang at matipuno ang pangangatawan ay malakas din ang kanyang loob at wala siyang inaatrasan basta nasa tama ang kanyang ipinaglalaban. Marami rin siyang tropa dahil marunong siyang makinig at magpayo sa mga ito, sa katunayan nga ay siya pa mismo ang kumikilos upang gumawa ng paraan nang sa ganun ay malutas ang problema ng kaibigan. Ang hindi pa alam ng marami ay noong taong 1949 ay naging isang jeepney driver din si Max Alvarado na byaheng Quiapo hanggang Paco Manila. Bukod...

Batikang aktor na si Berting Labra, marami pala siyang lihim na hindi alam ng karamihan

Image
  Larawan mula sa PEP Si Berting Labra ay sumikat dahil sa kanyang napakagaling na rule bilang sidekick ng sikat na artista na si Fernando Poe Jr.  Si Berting Labra ay nadiskubre ng ama ni Fernando Poe Jr. na si Fernando Poe Sr. at dito na nga siya nag-umpisa sa pag-arte sa harap ng kamera. Matatandaan kasi noon na naghahanap si Fernando Poe Sr. ng batang marunong kumanta na kanya sanang makakasama sa ginagawa nitong pelikula at doon na nga niya natagpuan ang talentadong si Berting Labra at nagtuloy-tuloy na nga ang kanyang naging karera sa industriya ng showbiz. Sa edad na sampo ay kinupkop siya ni Fernando Poe Sr. pinatira sa kanilang tahanan at itinuring na isang tunay na anak. Dahil dito ay naging mas malapit si Berting Labra at ang batang Poe na si Da King at madalas silang magkasama sa mga pelikula. Dahil sa angkin nitong talento ay minsan na rin siyang itinanghal bilang best actor at best supporting actor sa magkaibang pelikula na kanyang ginampanan. Lahat na yata ng ro...

Ito pala ang totoong nangyari sa buhay ng Original Badboy ng pelikulang Pilipino na si Ace Vergel

Image
  Larawan mula sa alchetron Si Ace Vergel ang original badboy ng pelikulang pilipino dahil sa kanyang natural na angas sa kanyang mga eksena sa harap ng kamera at talaga nga namang madami ang humahanga sa kanyang manunuod. Naging maswerte ang kanyang naging karera sa mundo ng showbiz dahil tila nga nagustuhan ng mga manunuod kanyang kakaibang imahe bilang isang badboy na bida. Naging sunod-sunod ang kanyang mga nagawang pelikula at minsan pa itong naparangalan ng best actor sa kanyang ginawang pelikula na 'Anak ng Cabron'. Larawan mula sa alchetron Ikinasal si Ace Vergel sa kanyang asawang si Maya Dela Cuesta at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na si Alejandro King Aguilar. Subalit hindi naman nagtagal ang pagsasama ng mag-asawa at naghiwalay din ito dahil sa ilang hindi pagkakasundo. Matatandaan na naranasan din na humimas ng rehas ang ating bida dahil sa kasong pananamantala sa karapan ng mga kababaihan at minsan din siyang nasangkot sa ipinagbabawal na gamot na kalauna...

Alamin ang walang awang pagkitil sa buhay ni Jess Lapid Sr. alyas "Kidlat"

Image
  Larawan mula sa alchetron Si Jess Lapid Sr. ay ipinanganak sa pampanga at si Bella Flake Lapid naman ang kanyang napangasawa.  Biniyayaan ang kanilang pagmamahalan ng tatlong supling at isa na nga dito ang kilala pagdating sa pag-arte sa mga aksyon film na si Jess Lapid Jr. Dahil malayo sa kabihasnan at mahirap noon ang kanilang pamumuhay sa Pampanga ay napag-desisyunan ng kanilang pamilya na makipag-sapalaran sa lungsod ng Maynila. Dahil ang kuya ni Jess Lapid Sr. ay isa noong cameraman sa mga pelikula ay kinuha siya nito upang maging alalay pansamantala. Dahil madalas kasama si Jess Lapid sa mga shooting ng mga pelikula ay maswerteng napabilang siya bilang extra ng mga pelikula. Ngunit sa pagiging extra niya sa mga pelikula ay tila kulang umano ang kanyang kinikita upang buhayin ang pamilya kung kaya napag-isip ni Jess na mas malaki ang kanyang kikitain sa pagiging stuntman ng pelikula at sinubukan niya ito. Sa kanyang pagiging stuntman ay marami ang humanga sa kanya at ta...

Ang lihim ng ama ni Pops Fernandez na si Eddie Fernandez alyas "LAGALAG", ganito pala ang nangyari sa kanyang buhay

Image
  Larawan mula sa newstimes Si Eddie Fernandez ay lumaki sa Lucban, Quezon Province at masasabi mong mahirap ang kanilang buhay kung kaya naman napagdesisyunan niya na pumunta sa Maynila upang makipag-sapalaran sa buhay. Ngunit imbes na maghanap ng pagkakakitaan ay tila naligaw ng landas itong si Eddie dahil napasama siya sa ilang miyembro ng Gang na madalas ay napapasabak sila sa away. Isang araw habang nakikipag-suntukan siya sa mga kaaway ay mayroon isang taong nakapansin sa kanya dahil sa husay nitong lumaban at hindi maitatanggi na guwapo at matikas din ang kanyang pangangatawan. Sa hindi gaanong kalayuan ay pinagmamasdan pala siya ng isang batikang director na si Sergio Santiago na tila nagustuhan si Eddie na kunin bilang isang artista. Dito ay nilapitan siya ng diretor na si Santiago at inanyayahan na subukang umarte sa kamera. Hindi naman tumanggi si Eddie dahil hindi naman ito mahirap para sa kanya dahil sanay naman ito na makipagbakbakan sa totoong buhay. Nagumpisa muna s...

Tinitingala pala pagdating sa larong basketball noong araw si Romy Diaz

Image
  Larawan mula sa listal Ipinanganak noong Nobyembre 28, 1940 sa Arayat, Pampanga Si Jose Romeo Bustillos Diaz o nakilala sa pangalang Romy Diaz. Siya ang nakababatang kapatid ng isang batikang kontrabida sa mga palikula na si Paquito Diaz na binansagan naman bilang hari ng kontrabida dito sa Pilipinas. Noong araw ay talaga nga namang isa sa mga itinuturing bilang pinaka-magaling at batikang kontrabida sa larangan ng pelikulang pilipino si Romy Diaz. Larawan mula sa listal Hindi nga maitatanggi na nasa lahi ng Diaz ang pagiging magaling na kontrabida sa larangan ng pag-arte sa harap ng kamera. Ang hindi naman alam ng karamihan ay bago pa man sumabak si Romy at kuya nitong si Paquito sa pag-arte ay nauna na silang nakilala bilang mga magagaling na manlalaro ng basketball. Parehas ang magkapatid na may ibubuga pagdating sa paglalaro ng basketball ngunit mas umangat at nakilala si Romy Diaz dahil sa husay niyang maglaro sa court at sa mga nagawa nitong record sa mga sinalihang liga. N...