Sikreto ni ate para maging isang board topnotcher, kanyang ipinasilip sa publiko
Larawan mula sa Philippine Star Isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination ang usap-usapan sa social media dahil sa kanyang kakaibang diskarte at pagsusumikap upang maging isang board topnotcher. Hinangaan ng mga netizen ang kwarto ng board topnotcher na si Justine Lei Ramos dahil punong-puno ito ng notes at manila paper na nakadikit sa pader Ang kapatid ni Justine na si Sean Martee ang naglakas loob na kuhanan ng mga larawan ang buong kwarto ni Justine upang ibahagi sa kanyang social media account. Makikita sa mga larawan na punong-puno ng bond paper at manila paper na nakadikit sa pader at pinto ng kwarto ni Justine. Ayon kay Sean Martee, gusto lamang nito ibahagi ang naging paghihirap ng kanyang kapatid na si Justine bago maabot ang tagumpay bilang isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination. “Gusto ko lang po ipakita kung gaano po niya pinaghirapan ang pag-prepare sa board exam niya. Gusto ko din po ipakita sa mga tao na anything is possible...