Posts

Showing posts from April, 2023

Pag unbox ni Willie Revillame ng Helicopter bilang regalo sa kanyang sarili, naging usap-usapan sa social media

Image
  Larawan mula sa Wowowin Si Willie ay kilala bilang isang sikat na Filipino comedian, businessman, host, singer, song writer at matagumpay na businessman. Nakakamangha naman talaga ang kwento ng buhay ni Willie dahil nagsimula rin umano siya sa mahirap na buhay simula noong bata pa siya kung kaya naman hindi pa rin ito nakakalimot na magpasalamat sa panginoon at mag-abot ng tulong sa mga tao na kapos sa buhay. Inamin naman ni Willie na ang kanyang ama ay may kaya sa buhay at mahirap naman ang kanyang ina na naghiwalay rin sa kalaunan. "Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa." kwento ni Willie. Dahil dito ay natuto magbanat ng buto si Willie, at sa murang edad ay natuto siyang magtinda ng dyaryo at maging barker. Hindi nagtagal ay nagpursigi si Willie hanggang madiskubre siya para pasukin ang mundo ng showbiz at ito na ang naging simula ng

Isa sa tagapagmana ni Willie Revillame na si Marimonte, usap-usapan dahil sa angkin nitong kagandahan

Image
  Larawan mula kay Marimonte Revillame Hindi maikakaila ang naabot na katanyagan ni Willie Revillame dahil na rin sa kanyang diskarte, talento at sipag. Si Willie ay kilala bilang isang sikat na Filipino comedian, businessman, host, singer, song writer at matagumpay na businessman. Nakakamangha naman talaga ang kwento ng buhay ni Willie dahil nagsimula rin umano siya sa mahirap na buhay simula noong bata pa siya kung kaya naman hindi pa rin ito nakakalimot na magpasalamat sa panginoon at mag-abot ng tulong sa mga tao na kapos sa buhay. kagandahan Larawan mula kay Marimonte Revillame "Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa." kwento ni Willie. Dahil sa talento nito sa larangan ng showbiz ay unti-unti itong naging tanyag at dito na siya nagsimulang yumaman. Madami rin ang kanyang naging karelasyon at isa sa mga nakilala sa showbiz na kanyang
Image
  Larawan mula kay Gio Alvarez Si Gio Alvarez ay nagsimulang pasukin ang mundo ng pag-aartista noong mapabilang ito sa grupo ng "Ang TV", isang youth-oriented comedy show sa ABS-CBN noong dekada nobenta. Kasabayan ni Gio sa programa ang mga sikat din na artista katulad nila Patrick Garcia, Claudine Bareto, Angelica Panganiban, John Prats at Jolina Magdangal. Noong dekada nobenta ay maswerte rin na napabilang si Gio sa sikat na sitcom na Home Along Da Riles. Dahil sa ibat-ibang natanggap na proyekto ni Gio ay lalo pa itong nahubog sa pag-arte at tuloy-tuloy na ang kanyang mga naging proyekto kasama ang mga bigating artista. Larawan mula kay Gio Alvarez Ayon kay Gio, marami umano siyang nais gawin sa kanyang buhay ngunit ang pag-aartista umano ang lagi niyang binabalik-balikan. “Madami na rin akong natutunan. Growing up marami na rin akong gusto at puwedeng gawin pero walang kasing gusto sa pag-arte at sa pagki-create ng films or shows. I guess this is [what] I really want to d

'Kailangan ba ganto pa gawin ko para magbayad ka ng utang? - Mensahe ni ate sa kaibigan

Image
  Lawaran mula kay Alyas Nene Itago natin sa pangalang alyas Nene upang sa kanyang proteksyon ang nagpost sa kanyang social media account kung saan ay ibinahagi nito ang kanyang naging paraan para magbayad na ng utang ang taong matagal ng nagkakautang sa kanya. Pagbabahagi ni alyas Nene, halos isang taon na ang utang sa kanya ng kaibigan at tila umano kinalimutan na ito kung kaya naman naisipan niya itong takutin. "Baka sakali lang pong maisipan mong magbayad. Matatapos na lang yung taon. Pag sinisingil ka di ka na mahagilap." ayon sa chat ni alyas Nene. Napag-alaman din ni alyas Nene na may mga pagkakataon na nakikita niya ito na panay ang gala at panay ang bisita sa starbucks pero hindi magawang mabayaran ang utang sa kanya na tila kinalimutan na nga nito. "Nung nakaraan lang panay gala ka te pa starbucks starbucks ka pa pero yung utang mo di mo maalala tas pag siningil ka gal1t ka pa." ayon sa chat ni alyas Nene. Dahil dito ay nagsend si alyas Nene ng isang pul

Ito pala ang isa sa naipundar na mansion ni Dating Fernando Poe Jr. at asawang si Susan Roces

Image
  Larawan mula sa Facebook Halos lahat yata ay kilala ang isa sa pinaka-beteranong  artista at nag-iisang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. o mas kilala sa pangalang "FPJ". Hindi maitatanggi ang naging katanyagan ni FPJ noong araw kung kaya naman hanggang ngayon ay marami pa rin ang bumabalik sa kanyang mga nagdaang pelikula. Noong taong 1967 ay nagpakasal si DA KING sa aktres na si Susan Roces at hindi nagtagal ay napagpasyahan nilang dalawa na mag-ampon ng isang bata at ang batang babae na ito ay si Grace Poe. Matapos nito ay muling nagpasya ang mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces na tumira sa Amerika at doon palakihin ang kanilang anak na si Grace Poe. Larawan mula sa Facebook Ginugol ni Grace Poe ang kanyang kabataan sa Amerika at doon na rin ito nagtapos ng kolehiyo. Bago pa man ay hindi naman sinikreto ni FPJ na nagkaroon din ito ng dawalang anak na si Ronian at Lourdes Virginia o kilala bilang si Lovi Poe. Taong 2004 ay nagpasya si Fernando Poe

Dating sikat at magaling na martial artist na si Cynthia Luster, ganito na pala ang kanyang buhay ngayon

Image
  Larawan mula sa Yukari Oshima Ating sariwain at balikan ang minsan ng nagpahanga sa maraming manunuod dahil sa kanyang angkin na talento sa pag-arte at sa kanyang kakaibang istilo ng kanyang martial arts, na si Yukari Oshima o mas nakilala sa pangalang Cynthia Luster. Tila nga naging palaisipan sa kanyang mga taga-hanga kung nasaan na nga ba ang kanilang idolo at kung ano na ang kanyang buhay ngayon. Matatandaan na noong panahon ng dekada nobenta ay ang tanging libangan lamang ng mga tao ay pakikinig ng radyo, pagbabasa ng dyaryo at panunuod ng telebisyon. Taong 90's nga ay naging papular ang action team asia na palabas kung saan sumikat sila Bruce Lee, Jackie Chan at Jet Lee sa mga pelikula na may kasamang martial arts at Kung Fu. Dahil sa kanilang kasikatan ay madami ang kanilang naging taga-hanga at ang iba ay naging inspirasyon sila upang subukan ang mundo ng showbiz industry. Si Cyntia Luster ay isang Japanese aktres na ipinanganak noong Disyembre 31, 1963. Isa siyang Japane

Walong taon ng nagtitinda ng gulay ang dayuhan na ito dahil sinimot ng isang pinay ang kanyang pera

Image
  Larawan mula sa The Young Observer NAKAKALUNGKOT NGUNIT NAKAKAINSPIRE! Ang pangalan niya ay Bryan Laurence at ang edad niya ay 61 years old na taga New Zealand pero nakatira na siya ngayun sa Kidapawan River Park na halos 8 years na ngayun.  Sa pag uusap namin, natanong ko siya kung panu siya napunta sa Kidapawan sabi niya meron daw siyang nakilala dito sa Pinas na ka chat lang niya dati sa Social media, habang tumatagal ung pag kakaibigan nila naging kasintahan niya eto at agad pumunta si Bryan sa Pinas para makita or mkasama etong naging kasintahan niya subalit habang tumatagal ung pag sasama nila naging iba ung pakay ng kasintahan niya sa kanya, lahat ng Pera na dala niya kinuha eto at halos wala ng matira sa kanya.  Akala niya meron silang negosyo ng kasintahan niya dahil sabi ng kasintahan niya, mag nenegosyo daw clang dalawa kaya lahat ng pera niya na invest niya dun sa sinasabi ng kasintahan niya.  Pero huli na niyang nalaman na wala pala silang negosyo, at ung akala niya na b

Sikreto ni ate para maging isang board topnotcher, kanyang ipinasilip sa publiko

Image
  Larawan mula sa Philippine Star Isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination ang usap-usapan sa social media dahil sa kanyang kakaibang diskarte at pagsusumikap upang maging isang board topnotcher. Hinangaan ng mga netizen ang kwarto ng board topnotcher na si Justine Lei Ramos dahil punong-puno ito ng notes at manila paper na nakadikit sa pader Ang kapatid ni Justine na si Sean Martee ang naglakas loob na kuhanan ng mga larawan ang buong kwarto ni Justine upang ibahagi sa kanyang social media account. Makikita sa mga larawan na punong-puno ng bond paper at manila paper na nakadikit sa pader at pinto ng kwarto ni Justine. Ayon kay Sean Martee, gusto lamang nito ibahagi ang naging paghihirap ng kanyang kapatid na si Justine bago maabot ang tagumpay bilang isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination. “Gusto ko lang po ipakita kung gaano po niya pinaghirapan ang pag-prepare sa board exam niya. Gusto ko din po ipakita sa mga tao na anything is possible po

Isang abogada, may mensahe sa mga nagsasabing hindi daw bagay sa kanyang magtricycle dahil abogado siya

Image
Larawan mula kay Atty. Kathrine Jessica Calano Isang abogada ang naglabas ng saloobin sa kanyang Facebook account dahil hindi na umano nito matiis ang mga taong nagsasabing bumili na ito ng sasakyan dahil hindi umano bagay sa kanyang sumakay ng tricycle dahil isa siyang attorney. Ipinaliwanag ni Atty. Kathrine Jessica Calano na hindi umano makikita sa materyal na bagay kung ano ang iyong propesyon sa buhay. Ayon pa kay Atty. Calano, bilang isang abogado ay hindi mo naman kailangan magmukhang mayaman. Larawan mula kay Atty. Kathrine Jessica Calano Basahin sa ibaba ang buong post ni Atty. Calano: “Another random realization. “A lot of people would usually tell me “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo. Di bagay sayo ang nagtrtricycle. Parang di ka abogado,” or “Atty, bumili ka na ng sasakyan mo, easy na lang yan sayo,” or “Magcar loan ka na, dapat priority mo ang sasakyan.” I would respond with a polite smile. All I could do is to politely smile because if I would respond honestly, I would o

Bakit nga ba sa edad na 36 ay namaalam kaagad itong si Rene Requiestas aka Cheeta-eh

Image
  Larawan mula sa mydramalist Si Rene Requiestas o nakilala sa pangalang Cheeta-eh ay nagmula siya sa isang maralitang pamumuhay at sa murang edad ay nasubukan na nitong magtinda ng sigarilyo sa kalye. Dahil kapos at sobrang hirap ng kanilang buhay noon ay nagpasyang ipinakupkop silang magkakapatid sa kanilang kamag-anak. Halos araw-araw umano ay tumutulo ang luha ni Rene at nagdarasal ito na sana ay balang araw mabuo na ulit ang kanilang pamilya. Kahit na ganito ang buhay na mayroon si Rene ay hindi siya pinanghinaan ng loob at isang araw ay naisipan nitong mag-apply sa isang teatro kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan. Dito ay hindi umayon kay Rene ang tadhana at dahil sa kanyang itsura ay hindi siya natanggap. Larawan mula sa mydramalist Si Rene ay hindi kaagad sumuko at sinubukan niya ulit mag-appy at sa pagkakataon na ito ay natanggap na siya ngunit hindi bilang aktor kundi bilang isang janitor. Buong puso na tinanggap ni Rene ang ibinigay sa kanyang trabaho dahil alam niya

Numero uno kontrabida sa mga pelikula na si Paquito Diaz, ganito pala ang totoong nangyari sa kanya

Image
  Larawan mula sa Alchetron Sumikat at naging matunog ang pangalan ni Paquito Diaz sa larangan ng showbiz dahil sa kanyang natural at epektibong pagganap bilang isang kontrabida sa mga pelikula. Hinangaan din si Paquito sa kanyang natural na talento sa pagpapatawa kung kaya naman naging tuloy-tuloy ang kanyang karera sa pag-aartista. Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay bago pasukin ni Paquito ang mundo ng showbiz ay naging basketball player muna siya ng FEU Tamaraw noong dekada singkwenta kung saan nagwagi sila ng tatlong magkakasunod na kampeonato. Sa pagiging aktibo sa paglalaro ng basketball ni Paquito ay dito naman niya nakilala ang kanyang teamna si Sergio Santiago na isa palang direktor at producer ng pelikula. Dito ay binigyan siya ng maliit na role sa pelikulang pinamagatang 'Mr. Basketball' na pinagbidahan naman ni Bob Soler, at kahit na maliit na role lamang ang kanyang ginampanan doon ay agad siyang nakitaan ng natural na talento sa pag-arte. Larawan mula sa Alchet

Binansagang 'Alas Pogi' ng Pelikulang Pilipino, ito na pala ang buhay ngayon ni Ace Espinosa

Image
  Larawan mula sa mubi Noong dekada nobenta ay hindi maitatanggi na isa si Ace Espinosa aka 'Alas Pogi' ang tinitingala ng mga tao pagdating sa kanyang astig na istilo sa pag-arte. Tinatawag na 'Alas Pogi' si Ace Espinosa dahil sa pagkakaroon ng matikas na pangangatawan at magandang lalaki, kung kaya naman palagi siyang pinagkakaguluhan sa pampublikong lugar ng kanyang mga taga-hanga lalong-lalo na ng mga kababaihan na talaga namang hangang-hanga sa kanyang ka-gwapuhan. Larawan mula sa mubi Matatandaan din na isa si Ace Espinosa sa mga nagpa-uso noon ng kanyang signature hairstyle na flat top na talaga namang bagay na bagay sa itsura at pigura ng kanyang pangangatawan. Lumipas ang ilang taon ay napangasawa ni Ace ang dating beauty queen na si Maricel Morales na madalas niyang maging kapareho sa kanyang mga pinagbidahang pelikula. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng isang lalaki at isang babae na ngayon ay binata at dalaga na. Larawan mula sa mubi Subalit matapos ang ap

Isa palang bayani ng bansang Pilipinas ang ama ni FPJ na si Fernando Poe Sr.

Image
  Larawan mula sa esquiremag Bata palang itong Fernando Poe Sr. noon ay talaga namang nakitaan na ito ng kakaibang talento lalo na sa paggawa ng mga pelikula na talaga naman pumatok sa madla.  Ayon nga sa balita ay isa palang bayani ng bansa si Fernando Poe Sr. dahil noong mga panahong nais sakupin ng mga hapon ang ating bansa ay kaagad siyang nagboluntaryo na mapabilang sa mga sundalo na magtatanggol sa mamamayan ng Pilipinas. Nag-umpisa bilang isang first lieutenant ang matandang Poe, hindi nagtagal ay nakitaan siya ng tapang at puso upang ipagtanggol ang bansa mula sa mga mananakop na hapon. Dahil dito ay itinaas ang kanyang ranggo at naging lider siya ng isang platon upang tulungan ang mga mamamayan sa lugar ng Bataan na noon ay kasalukuyang sinasakop ng mga hapon. Ngunit sa tatlong buwan na pagtatanggol ay nasakop na nga ng mga hapon ang lugar ng Bataan at napasama si Fernando Poe sa mga b1hag. Masuwerte naman siyang pinalaya matapos malaman na isa pala siyang sikat na artista kun